Friday, August 14, 2009

ANO BA ANG MEDALYA NG SAN BENITO

ANO BA ANG MEDALYA NI SAN BENITO?

Saan man ikaw ay dumako, marami ang makikita mo na mayroon sabit na medalya ni San Benito. Karamihan, pinaniniwalaan na isang agimat o anting-anting. Pero ano nga ba ito at ang lugar nito sa isang mananampalataya? Ang medalyon na ito ay hindi dapat ipangaral bilang isang agimat o anting-anting ayon na din sa turo ng Inang Simbahan, bagkus dapat itong tingnan bilang isang tagapagpaalala na kahit saan man tayo naroroon ay taglay natin ang patnubay at proteksyon ng Diyos.

Mayroon akong nakikita dito sa amin, na taglay ang banal na medalyon, ngunit ito ay ginagamit upang makapang-akit ng mga babae. Minsan ay ginagamit din upang subukan ang lakas ng ibang mga GAMIT. Sa madaling salita, masyadong inaabuso ang gamit ng banal na medalyong ito.

Mayroon akong mga kasamahan dati na involved sa Deliverance o pagpapalayas ng masasamang espirito na ginagamit ang mga panalangin sa medalyon na ultimo mga kasamahan namin na mayroong gamit ng San Benito, lalo na yaon daw mga bili sa mga bangketa sa Quiapo ay pinararatangan na isang mag-aanting o di kaya'y New Ager. Ang ginagawa ng mga ito ay magpe-perform ng ritual exorcismo at bubugahan sa pamamagitan ng pag-ihip o bulong ng dasal na "Vade Retro" itong mga kawawang pinaghihinalaan na mga kasama din sa ministriya na gumagamit ng "kaliwang" kapangyarihan dahilan nga daw yaon ginagamit nilang medalya ng Santo ay hindi prescribed ng simbahan. Hindi sukatan kung saan nakuha o nabili ng isang tao ang medalyon ni San Benito kung ito ay gagana ba para sa kabutihan at espiritwal na pamumuhay ng isang nagtataglay. Hangga't ito ay nagdaan sa proper exorcsim blessing na ginagawad ng mga kwalipikadong Benedictinong Pare o Monghe o dili kaya'y mga pari na mayroong faculty of exorcism ito ay maipalalagay na rin na nagtataglay ng lahat ng proteksyon at indulhensya na nakakabit sa medalyong ito.

Minsan din dapat tayo ay maghunos dili lalu na sa larangan ng pakikidigmang espiritwal. Minsan iyong mga taong hinihinala nating kampon ng kadiliman ay siya palang kakampi at katuwang natin sa larangan ng Combate Espiritual.

AD MAJOREM DEI GLORIAM!

16 comments:

  1. Sir,

    Isa po ako sa makakapagpatunay sa kapangyarihan ng medalyon ng San Benito na makapagligtas sa sakuna. Pero ngayon ko lang po nalaman na ginagamit din po pala ang medalyon bilang panggayuma.

    Saan po kayo sa Makati? Dito lang po ako nakatira sa Barangay Olympia, malapit sa city hall.

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat po sa artikulong ito. Mainam na babala ito upang hindi maligaw ang ating mga kapatid.

    Marami pong hindi "aware" na binibigyan na nila ng "entry point" sa buhay nila si Satanas sa pamamagitan ng paggamit ng mga agimat, anting-anting, at iba pang katulad na bagay.

    Ang lalong masama ay nagagamit pa bilang agimat o anting-anting ang medalyon ni San Benito, na kung gagamitin nang ayon sa turo ng simbahan ay dapat sana'y katulong natin sa paglaban sa kasamaan.

    ReplyDelete
  3. Mgandang umga u hapon sayo m my gsto lng me itanong sau ppaano ba nllman na ang san beneto kc may roun ako niyan bgay ng isang barsng kkaki na umiidad cya ng sampong taon ngayon ay mag 5taon n sa akin ngayon ko lng nararamdaman kc nkka puntA aki sa mga website na tlad nito hnd ko alm kng bkit pls reply me...gmglang elien pwde mo po bang ibgay nio ang tamang dassl para sa kniya ito po email address ko dequito.eliene@yahoo.com kong ipag kkaluob nio sa akin kc naguhulohan ako madmi akng nkkita na mga slita ng medalyon pls po.

    ReplyDelete
  4. Meron ako nian..buhay ba ito kht d dasalan

    ReplyDelete
  5. Pano paraan ang pag darasal sa san san benito

    ReplyDelete
  6. babasahin mo lang yung basag nya sa harap at likod. pero pa buhay mo muna sa mga marunong.

    ReplyDelete
  7. meron po ako medalyon ni san benito...matagal na po napatago.. may bisa pa po kaya ito

    ReplyDelete
  8. Too ba mga kapatid na ang san benitong medalyon ay bawal dalhin sa c.r at bakit nman

    ReplyDelete
  9. Paano kung suot mo at ma iihi ka sa c.r mawawalan ba ng bisa un

    ReplyDelete
  10. Meron din ako nyan san benito ano pong dapat kong gawin gusto kong matutu mg
    a bagay tung kol sa san benito.

    ReplyDelete
  11. Magandang hapon po meron po ako binebentang medal ng saint benedict at ituturo ko po sa inyo ang tamang pag buhay o talangang tamang pamamaraan para hindi na po kayo na guguluhanan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din merong medalyong San Bebedicto,mayagl ko nang d nasusuot d ko alam if buhay pa kasama nito ang isa pang crus na itin nabalot sa prang makapal na itim na prang leather na makintab,prang kombinasyon nag mga kahoy2 ang loob nag itimna crus at tahi sa dilaw na sinulid ang mga gilid nang crus.

      Delete
    2. Saint Benedict din po medalyon ko,matagal ko na nga lang d sinusuot,matagal nang nahiwalay sa kayawan ko.

      Delete
  12. Silver925 po itong medal sa mga interesado po at gusto mag order email nyo lng po ako o kaya po paki message nyo lang po ako sa messenger ko na Rommel agner hallig.dito po ako sa bayan ng cavite.

    ReplyDelete
  13. Silver925 po itong medal sa mga interesado po at gusto mag order email nyo lng po ako o kaya po paki message nyo lang po ako sa messenger ko na Rommel agner hallig.dito po ako sa bayan ng cavite.

    ReplyDelete
  14. Ano po ung mga pinagbabawal pgsuot nyo ang st.benedict medalyon?sbi po ng iba bawal raw po s cr ano po ung bawal dumumi ,umihi oh mglinis kase po ngtatarbaho po aq at isa po s mga trabho ung cr.pkisagot atpkiliwanag nlng po nung mga bawal pra po maisan q.maraming slamt po

    ReplyDelete